Monday, May 20, 2013

Manahimik at Makinig

To be Silent and Listen

I had been listening to this Filipino Catholic song titled “Maging Akin Muli”. The lyrics are so powerful and compelling. It challenges me to be silent and listen to the voice within, so I will fully know the calling of the Lord. It is in silence that we can clearly hear the real call. Whatever it is, silence will be the key to a life fully lived. I will let the lyrics speaks to you.

Maging Akin Muli
(by Arnel Aquino, SJ)

Manlamig man sa Akin puso mong maramdamin
Lisanin man ng tuwa puso mong namamanglaw
Manginig man sa takot masindakin mong puso
Mag-ulap man sa lungkot diwa mong mapag-imbot.
Kapiling mo Akong laging naghihintay sa tanging tawag mo.
Pag-ibig Kong ito isang pananabik sa puso Ko
Sa ‘yong pagbabalik sa piling Kong puspos ng pagsuyo
Manahimik at makinig ka’t maging Akin muli.
Di mo rin akalain tinig mo’y hanap Ko rin,
Ang ‘yong tuwa at sakit, Aking galak at pait.
Kung lingid pa sa iyo, Aking pakikiloob,
Tuklasin mong totoo: tunay mong pagkatao.
Kapiling mo Akong laging naghihintay sa tanging tawag mo.
Pag-ibig Kong ito isang pananabik sa puso Ko.
Sa ‘yong pagbabalik sa piling Kong puspos ng pag – suyo,
Manahimik at makinig ka’t maging Akin muli.


Panginoon, turuan ninyo akong manahimik upang aking marinig ang tunay mong tawag sa akin. Amen. (Lord teach me to be silent so I can hear  Your real calling for me. Amen.)

by aats

No comments:

Post a Comment