Sunday, September 2, 2018

Pagninilay sa Parola. Lighthouse Reflections.

A Lighthouse in Batanes

Minsan sa buhay para tayong nasa laot, hinahampas ng alon, punong puno ng pangamba at di makita ang liwanag. Ubos na ubos na, pagod na pagod, wala nang lakas. Paano pa hawakan ang timon? Ang maiiging gawin ay humimlay at hayaang dalhin ng hangin ang bangka. Nakakapagod kung palagi nalang sinasarili ang pagkontrol ng timon ng buhay. Hayaang si Hesus ang humawak ng timon at ang Espiritu magdala sa bangka tungo sa daungan ng buhay. Paggising mo, parola maaaninag na. (Sometimes in life, we are like in the open sea, crashed by waves, filled with fear and the light beyond sight. Spent out, tired, no more strength. How can you keep holding on the rudder? The best thing to do is to rest and let the wind bring the boat where it wants. It is tiring to always control the rudder of life. Let Jesus hold your rudder and the Spirit bring your boat to the harbor of life. When you wake up, lighthouse is in sight.)

Minsan ang pagitan ng pag-asa at kawalan nito ay kaunting liwanag lamang. (Sometimes what is in between hope and despair is just a little light.)

Minsan ang kailangan lang ay kaunting liwanag para maniwala muli. (Sometimes what is needed is just a little light to believe again.)

by aats

No comments:

Post a Comment