Wednesday, April 19, 2017

What Else is There?

Kung perfect ka na, andyan na lahat, ano pa ang mamahalin ko sayo? Kaya nga sa imperfections nasusukat ang pagmamahal. Kapag kaya mo siyang tiisin kahit ayaw mo ang isang bagay tungkol sa kanya, ayun, pag-ibig! (If you’re perfect already, everything is in you, what else is there for me to love? That’s why it is in imperfections that love can be measured. If you can endure even if you don’t like something about the other, there, it’s love!)

Pag-ibig - ang totoong kahulugan - buong buo kitang aakapin kasama hindi lang kung ano ang magaling ka, kundi pati yung hindi ka magaling. (Love – real meaning – I will embrace you wholly, not just on what you are good at but even those you are not.)

Kung lahat ay andyan na, alam na lahat, ano pa ang tutuklasin? (If everything is there and everything is known, what else is there to discover?) Mystery makes love beautiful. We don’t have to know everything. That is why Gods love is beautiful because we don’t know God fully, He is a mystery and that makes relationship exciting! That is why it is said, what makes it exciting with someone is when you have something new to discover everyday.

Kung naiintindhan na ang lahat, ano pa ang uunawain ko? Saan pa ako makikilig? Kapag hindi mo na maintindihan pero mahal mo parin siya, yun yun! (If everything is understandable what else is there to be understood? Where else can I be excited? If you cannot understand anymore and yet you still love the other, then that’s it!)

Kaya totoo ang pagmamahal ng Diyos, kasi minahal niya tayo buong buo, kasama ang ating kakulangan. Sabi siguro ni God, “Kaya nga ako kinikilig sayo, kasi hindi kita minsan maintindihan. Minahal na kita ng husto tapos lilingon ka pa rin sa iba. Pero yun yung nagpapakilig sa akin, kasi nasusubok ang pagmamahal ko. Hindi ako bibitaw, hindi kita bibitawan, kasi mahal kita ka, kung sino ka hindi kung sino ka maging. Lilingonin mo man ako o hindi, alam ko babalik ka rin. At kung wala man yan sa isip mo ngayon, kapag darating ang panahong gusto mo na ako, may babalikan ka. Hihintayin kita, hindi ako mapapagod, buo ang pagmamahal ko sayo. Ikaw lang.” (That is why Gods love is so real because He loves us wholly including our imperfections. God maybe saying, “That’s why I get excited of you, because I don’t understand you sometimes. I have loved you fully, and yet you still look for someone else. But that’s what makes me excited, because my love is being tested. I will not let go; I will never let go of you because I love you as you are, not what you can become. You may look back at me or not, I know you will come back to me. And if it’s not yet in your mind right now, when time comes that you want me already, you have someone to go back to. I will wait for you, I will not get tired, I love you wholly and fully. You alone.)

by aats

3 comments:

  1. Ang ganda! Totoong totoo. Pero paano kung mapagod ka sa paghihintay? Paki sagot ang tanong: Sino ang pipiliin mo? Ang taong mahal mo, o ang taong mahal ka?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hello, thanks for reading. The heart knows when to stop. Love is sometimes letting go. Nature has a away of teaching us that, here is the link on that http://fargreaterthings.blogspot.ca/2016/05/the-ways-of-nature.html

      On the 2nd question, pipiliin ko ang taong mahal ko, pero hindi ako namimilit kasi ang pag ibig kusang binibigay. If the other says that wala talaga, kaibigan lang, I'll take her word, kasi I respect and honor her enough for that. Is it worth fighting for? Yes, specially if the other gives you reason to fight for.

      Delete
  2. Thank you. Read that post and I too find answers in seemingly innocent occurrences or things. I always say that God fills my heart (almost to the point of it bursting!) whenever He answers my questions. Parang sasabog ang puso ko sa tuwa kapag sinasagot Niya ako. God speaks our language and communicates with us in ways that makes sense to us. When you have time, please visit my page. I haven't blogged in a while but I'm thinking of picking it up again.
    http://everhopefuleverthankful.blogspot.com/2007/05/just-follow-signs.html?m=0

    I truly enjoy your posts. There's still so much to read so I'm pretty sure you'll be seeing more comments from me. Huwag ka sana magsasawa. Marami ako natutunan from your blog..makabuluhan at may puso. Salamat!

    ReplyDelete