Nakakatawa minsang isipin na kahit saan ako mapunta sa
labas ng bansa, dala-dala ko palagi ang nakatiklop (sa tamang paraan) na
watawat ng Pilipinas. Naalala ko noong isang taon, ito ay winagayway ko sa loob
ng akong kuwarto bilang pag-gunita sa mga Araw ng Watawat.
Para sa akin, napakalaking simbolo ng watawat hindi
lamang sa ating kasarinlan kundi sa ating pagka-Pilipino. Habang ito’y
nakawagayway parang kumbaga’y ang aking kaluluwa’y lumilipad na walang
nakatali. Malayang-malaya! Ito ako, Pilipino, magpakailanman!
Sa kahit anong unos na pinagdadaanan ng bansa,
nagpupunyagi pa rin ako sa kadakila-an ng ating lahi. Noon, ngayon at bukas:
isang bansa, isang diwa!
by aats
No comments:
Post a Comment