Wednesday, May 30, 2012

Isang Pagpupugay sa Watawat



Nakakatawa minsang isipin na kahit saan ako mapunta sa labas ng bansa, dala-dala ko palagi ang nakatiklop (sa tamang paraan) na watawat ng Pilipinas. Naalala ko noong isang taon, ito ay winagayway ko sa loob ng akong kuwarto bilang pag-gunita sa mga Araw ng Watawat.

Para sa akin, napakalaking simbolo ng watawat hindi lamang sa ating kasarinlan kundi sa ating pagka-Pilipino. Habang ito’y nakawagayway parang kumbaga’y ang aking kaluluwa’y lumilipad na walang nakatali. Malayang-malaya! Ito ako, Pilipino, magpakailanman!

Sa kahit anong unos na pinagdadaanan ng bansa, nagpupunyagi pa rin ako sa kadakila-an ng ating lahi. Noon, ngayon at bukas: isang bansa, isang diwa!

by aats

1 comment:

  1. Gusto mo ba ng online work?
    Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
    Email me: tirada_uno_23@yahoo.com / tiradauno@gmail.com / n.helphelphelp@gmail.com
    Contact Number: 09465046302
    For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/

    ReplyDelete